Hay! Ilang araw na lang at matatapos na rin ang 2007. Akalain mo yun! Parang kelan lang gumagawa pa ‘ko ng New Year’s resolution ko para sa taon na ito. Speaking of New Year’s resolution, let’s make a review kung alin at ilan sa mga ito ang nagawa ko ng walang "paltos". =)
1. no more social life – mahirap ang bagay na ‘to. dahil sa araw-araw na nilikha ng Poong Maykapal kailangan nating makihalubilo sa ating kapwa. pero kung night life ang pag-uusapan, aba! i’m proud to say na wala na akong night life ngayon. (teka… wala nga ba?!)
2. babawas-bawasan ko na ang pagtambay sa malls so i can avoid unnecessary spending – in fairness, natupad ko naman sya. pinasabog na kasi ang aking madalas puntahan na mall, glorietta (oo, alam ko G2 lang ang pinasabog! eh sa ayoko na rin pumunta dun eh pati sa mga karatig malls nya. makelam ba!)
3. goodbye alcohol – isa lang masasabi ko ukol dito–HINDI AKO TANGGERA! tumitikim lang ako at inde nagpapakalango, ok?! *-*
4. i’ll avoid eating sweets — ok… next resolution please! exception ang item na ito.
5. i’ll devote much of my time on my earnest dream… my license – good luck, charisse! kung may surprise quiz ka lang ngayon wish ko lang pumasa ka.
6. twice a month na lang ako magsu-surf ng net – if this is a crime, then i’m guilty. ahahaha!
7. magkukuripot na akong mag-text — natupad ko sya in fairness! naka-prepaid na lang kasi ako ngayon eh. hehehe!
8. wala munang love life – NO COMMENT
9. uuwi na ‘ko ng maaga – …maaga para sa araw ng bukas! chet! nauwi pa ba ‘ko? oo nga pala, i found a new home sweet home–ang aming opisina.
10. i’ll avoid staying up late ng walang katuturan – ang final wage ba ay may katuturan? c",)
11. hindi na ako magsusungit – ha! ewan ko nga ba kung bakit naisama ko pa ‘to sa mga resolution ko eh di naman talaga ako masungit eh!
12. pag-iibayuhin ko pa ang aking pagiging down-to-earth at di pagmumura — naman! i am and will always be down-to-earth. pagmumura?! tinginingining naman oh! kelan nyo ba ako naringgan nun?! @#$$#$%%$!!!
attention: JANETH and MAD’Z
wag na kayong humingi ng blow-out. wala tayong stipulation (lech!)hinggil dito kaya magsi-tigil kayo, ok?! =0
moral lesson: wag ng gumawa ng new year’s resolution dahil marami pang naghihintay na final wages (hehehe)